Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[kailangan ng sanggunian] Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
Kayarian ng pang-uri
May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
-
Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
-
Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
-
Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
-
Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
Uri ng pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
-
Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
-
Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
-
Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.
-
-
Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.
-
Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
-
Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
-
Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
-
Kaantasan ng pang-uri
Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:
-
Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
-
Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
-
Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.