Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.
Uri ng panlapi[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang mga sumusunod ang mga uri ng panlapi na ginagamit sa wikang Filipino (at Tagalog):
-
Unlapi
Ang unlapi ay kapag inilalagay sa unahan ng salita.Halimbawa:
-
Mag-/Ma-
Halimbawa: magbasa, magawit
-
Nag-/Na-
Halimbawa: nagtapos, nagsimula, napili
-
Pag-/Pa-
Halimbawa: pagasa, paalis
-
Gitlapi
Ang gitlapi ay kapag nakalagay sa loob ng salita.Halimbawa:
-
-um-
Halimbawa: sumayaw, lumakad
-
-in-
Halimbawa: sinagot, ginawa
-
Hulapi
Ang hulapi ay kapag nakalagay sa hulihan ng salita.Halimbawa:
-
-an
Halimbawa: sabihan, sulatan
-
-in
Halimbawa: ibigin, gabihin, isipin, tapusin
-
Kabilaan
Ang kabilaan ay kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa: mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
-
Laguhan
Ang laguhan ay Kapag mayroong panlapi sa unahan,gitna at hulihan. Halimbawa: pagsumikapan